NICKAELLA Umalis na kami sa carinderia na kinainan namin, well diretso na kami sa Barrio Maligaya, "Malapit na ba tayo?" Tanong ni Xenaia na talaga naman pang limang beses na ata nyang tanong yun. "Malapit na talaga." Sagot ko naman. "Kalahating oras na tayong nandito sa sasakyan Ate, malapit na talaga ha?" Napangiti nalang ako, Malayo pa kasi ang gitna ng bayan, nandito na kami sa Barrio pero malayo pa ang bayan. Nakita ko na namannang arko na nagsasabing "Barrio Maligaya". Agad na nakita ng mata ko ang pamilihan, kasunod ay ang perya, tinuro ko agad yun kay Xenaia. "Xenaia, ayun na yung perya." Sabi ko at tinuro ko yung peryahan, napatingin din si Xennyth, "Xenon dun tayo oh!" Turo ko sa paradahan ng mga sasakyan na karamihan ay tricycle at motor, pangkaraniwan na pangkaraniwan na sy