NICKAELLA One week. Dumaan ang one week at ito ngayon... Ang masayang mga araw ko naglaho na parang bula, ang daming nagbago. Ewan ko ba kung anong problema. I mean pagkatapos na pagkatapos ng bonding moments namin ay nagbago na ang lahat, at hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung anong problema. Opo sila, nakakaiyak mang isipin pero si Xenon din. Minsan gabi na sya kung umuwi, minsan naman ay uuwi ng maaga pero deretso sya sa pag tulog. Pag kakain naman nauuna akong kumain bago sya, magkahiwalay narin kami ng kwarto, kalilipat ko lang 3 days ago. Yung kambal? Wala ni isa ang nagpaparamdam, naiinis ako kase hindi ko sila maintindihan, may nagawa ba akong mali? Naguguluhan na ako. Yung mga kaibigan ni Xenon? Hindi ko alam, wala na akong pakialam! Hindi dapat ako nag-iisip ng g