CHAPTER 14 Smile's Point of View ISANG linggo na ang nakakalipas simula ng sabihin niya sa akin 'yung tungkol sa sakit niya. At 'yung tungkol din sa kasal. Hindi talaga ako kaagad nakapagsalita noon dahil bigla bigla siya. Sabi ko ay pag-iisipan ko muna. Sa isang linggo din na lumipas na iyon ay naging masaya kami. Hindi sya inatake ng sakit niya at dahil daw iyon sa akin sabi ng doktor niya. Nawawala daw sa loob ni Kion ang mga sintomas dahil sa pagmamahalan naming dalawa at masaya naman ako doon. May pagkakataon pa nga na hindi sya pumasok sa opisina para lang mamasyal kami. Kumuha na din sya ng mga maids dito sa bahay para hindi na daw ako mahirapan pa. Nitong mga nakaraaang araw din, nakakapansin ako na parang may nagbabago sa'kin. Minsan minsan ay naduduwal ako at nagses