CHAPTER 15 Smile's Point of View HAWAK hawak ko na ngayon 'yung pregnancy test. Titignan ko na ba? Kinakabahan ako. Baka hindi ako buntis pero sana...sana. Ilang beses akong lumunok at pumikit bago tuluyang tignan 'yung resulta. Oh my ghad. Positive. Buntis ako! Kailangan 'tong malaman ni Kion. Lumabas kaagad ako ng banyo at hinanap 'yung cellphone ko. Nasa opisina kasi si Kion at mamaya pa 'yung uwi niya. Pero, kung supresahin ko kaya siya? Matutuwa kaya siya? Sana. Tinawagan ko muna si Vanessa para sabihin sa kanya na buntis nga ako. [ Oh? Hi bes! ] "Bes! Tama nga 'yung hinala natin. Buntis ako!" [ Really?! Omo! Sabi na nga eh! Buti na lang at bumili tayo ng prenancy test! Oh ano na? Nasabi mo na ba sa asawa mo? ] "Hindi pa eh. Baka kasi magalit siya." [ Magal