NAPABUNTONG-HININGA si Aniah. Kapag kuwan ay bumangon, buhat sa pagkakahiga niya sa kaniyang kama at lumabas sa kaniyang silid. Sinilip pa niya kung nasa silid nito si Kaizen. Naroon nga ito. Tumikhim pa siya para lang kuhanin ang atensiyon ng kaniyang kapatid na busy sa paggigitara. “I change my mind,” ani Aniah nang lingunin siya ni Kaizen. Ibinaba ni Kaizen ang hawak nitong gitara sa kama nito. “Pardon?” “Sasamahan na kita sa Friday night.” Agad ang pagliwanag ng guwapong mukha ni Kaizen. “For real? Hindi na puwedeng magbago ng isip.” Tumango si Aniah. Naisip kasi niya na sa araw rin ng Biyernes nakatakda ang blind date na sinasabi ng kaniyang Kuya Uno. Para hindi iyon matuloy, kay Kaizen na lamang siya sasama. Sa tingin niya, iyon ang mas tamang gawin. “Thank you. Anyway, sa Ma