NAPAHINTO si Aniah sa paglalaro ng isang mobile game sa kaniyang cellphone nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang pribadong opisina. “Hindi po kayo puwedeng pumasok diyan ng walang appointment kay Ma’am.” “This way, Sir,” balewala namang wika ng isang bodyguard na halos i-block ang daan ni Kholene, ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang manager sa The Queens. “Ma’am,” halos apologetic na baling ni Kholene sa kinaroroonan ni Aniah. Hindi nagtagal at pumasok ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya hiniling o inasahan na tatapak sa kaniyang pag-aaring café. Si Evo! Napatayo si Aniah buhat sa kaniyang pagkakaupo. Sila lang ang naiwan sa loob dahil lumabas din ang kasama ni Evo at isinara ang pinto. Dahil ba sa ginawa niya kaninang p********l dito kaya ito naroon ngayon? “Ano’ng ginag