KAY BILIS lang din talagang lumipas ang mga araw. Lalo na kung masaya at mahal mo ang kasama mo sa mga araw na lumipas. Katulad na lamang ng araw na iyon, balik na ulit sa trabaho sina Aniah at Devon. Ganoon pa man, gusto na rin niyang hilahin ang oras at mga araw dahil sa nakatakda nilang pagpunta ni Devon sa America. Sa araw na iyon ay nagpa-book na rin ng ticket nila si Devon. Araw na lang ng kanilang flight ang hihintayin. Magkahalong kaba at saya ang kaniyang nararamdaman. At sa tuwinang maaalala niya ang nalalapit nilang pag-alis ni Devon, para bang may humahalukay sa kaniyang tiyan na hindi niya maintindihan. Napatitig pa si Aniah sa larawan ng kaniyang ama’t ina na naka-display sa isang parte ng kaniyang opisina. “Mom, Dad, sana naman ay umuwi na kayo this week. Para naman bago