INALALAYAN pa ni Devon si Aniah sa paglusong sa jacuzzi. Tama lang ang init ng tubig sa jacuzzi. Nakaka-relax sa pakiramdam. Magkatabi pa sila ni Devon nang maupo roon para magbabad. Habang ang nobyo niya ay nakaakbay pa sa kaniya. Nakahilig naman siya rito. Napangiti na naman siya nang maalala ang naging ganap nila sa maghapon ni Devon. Sa totoo lang, para bang ang daming nangyari. Ngunit puro masasaya. Walang puwang ang lungkot para kay Aniah ng mga sandaling iyon. “Love,” kapag kuwan ay basag niya sa namumuong katahimikan sa loob ng banyo. “Ano ‘yon?” baling naman nito sa kaniya. “Hey, baka naman sabihin mong inaantok ka na?” saway pa nito sa kaniya. Napatawa naman si Aniah. “Don’t worry, love, hindi pa ako inaantok. Gusto ko lang sabihin na ang saya lalo ng maghapon ko. Thanks to