Chapter 68

2113 Words

“LOLO, hindi ko na po alam kung paano ko pang pagtatakpan si Kuya Devon,” reklamo na ni Sarina sa kaniyang Lolo Isaac isang hapon nang puntahan niya ito sa malaking mansiyon nito sa Valle Encantado Village. Madalang lang kung matulog siya roon. Mag-isa lang kasi roon ang kaniyang lolo na naninirahan. May sari-sarili rin naman kasing bahay ang mga anak nito. Matapos sumimsim ng kaniyang lolo sa tsaa na iniinom nito ay saka siya nito matamang pinagmasdan. “Sarina, ‘wag mo na lang sagutin ang tawag ng Tita Najah mo.” “‘Lo, ang banta pa po niya sa akin, kung hindi niya makakausap si Kuya Devon, uuwi siya rito para sunduin ang anak niya. It’s almost two weeks, ‘Lo. Wala pa ring paramdam si Kuya Devon.” “Ginagawa niyang bata ang anak niya. Malaki na ang pinsan mo at alam na niya ang ginagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD