NANG makarating sina Aniah at Devon sa Pagbilao City, nagpababa lang sila sa may Monterey Mall. At dahil ilang oras din ang naging biyahe mula sa Manila papuntang Quezon Province kaya nakakaramdam na rin ng gutom si Aniah. Gusto niyang humigop ng mainit na sabaw kaya nag-aya muna siya kay Devon na kumain sila bago dumiretso sa Valle Encantado Village. Sa isang restaurant sila pumunta kung saan nag-se-serve iyon ng Filipino cuisine. At dahil mainit na sabaw ang gusto ng kaniyang sikmura ng mga sandaling iyon, Beef Bulalo ang kaniyang napiling pagkain. Iyon lang ay kuntento na siya. Um-order din si Devon ng gusto nito. Habang hinihintay ang order nila ay napahawak pa si Aniah sa kaniyang noo at sandaling hinilot-hilot iyon. “Masakit ba ang ulo mo?” agad na tanong ni Devon kay Aniah. Tum