RAMDAM ni Aniah na walang pagsidlan ng saya ang kaniyang puso ngayon. Four years ago, ito rin ang taong dahilan ng pag-iyak niya nang husto at ang nagdulot ng matinding kalungkutan sa kaniyang puso. Ngunit ito rin ang taong dahilan ng saya niya ngayon. Nang bahagyang kumalas si Devon sa pagkakayakap kay Aniah ay kinintalan pa siya nito ng halik sa kaniyang mga labi. “Thank you,” muli ay masuyong sambit ni Devon kay Aniah. “Sana, mag-workout ‘to, Devon.” “Sisikapin nating mag-workout ‘to,” ani Devon na pinalis ng mga kamay ang luha sa magkabila niyang pisngi. “Nagustuhan mo ba ‘tong surprise ko para sa iyo?” Muling inilibot ni Aniah ang tingin sa paligid. Gumuhit ding muli ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Sobrang nagustuhan ko. Lalo na ‘tong bulaklak,” ani Aniah na muling sinamyo ang