PARA BANG nasa panaginip pa rin ang pakiramdam ni Aniah ng mga sandaling iyon. Dahil hindi pa rin niya mapaniwalaan na magkasama sila ngayon ni Devon. Hindi man siya maalala ng binata mula sa nakaraan nito, apat na taon na ang nakalilipas, ngunit ito pa rin ang lalaking dahilan ng kalungkutan niya sa loob ng mga taon na iyon. Ang lalaking dahilan ng mga luhang walang humpay sa pagtulo noon mula sa kaniyang mga mata. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya magawang buksan ang puso sa ibang lalaki dahil sa malaki niyang trust issue. Pero sa muli nitong pagbabalik sa buhay niya, ngayon niya mas naramdaman na napakabilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa. Walang kahirap-hirap para kay Devon na makuha siya. Ganoon din ang puso niya. Samantalang wala naman silang label o ano mang relasyon