UNTI-UNTING iminulat ni Aniah ang kaniyang mga mata nang muli siyang magkaroon ng malay. Ang kisame kaagad ang kaniyang unang nakita. Nang mapansin naman ni Devon ang pagkakaroon ni Aniah nang malay, buhat sa pagkakatagilid nito ng higa sa tabi niya ay agad itong naupo sa kama at umisod palapit sa kaniya. “Aniah, are you okay?” agad na tanong ni Devon. Puno nang pag-aalala ang guwapo nitong mukha. Nang balingan ito ng tingin ni Aniah ay bahagya pang kumunot ang noo niya nang luminaw sa kaniyang isipan na nawalan siya ng malay habang… Napalunok si Aniah. “K-kanina pa ba ako walang malay?” halos paanas niyang tanong na sapat lang upang marinig ni Devon. “Mag-iisang oras na. Ikukuha lang muna kita ng maiinom,” ani Devon na agad na hinayon ang mini ref na naroon at doon ay kumuha ng isa