KATULAD ng paalala ni Aniah sa kaniyang sarili, magpapakatatag siya at hindi maluluha oras na maglakad na siya sa gitna ng aisle ng simbahan kung saan sila ikakasal ni Devon. Ngunit pagbukas na pagbukas pa lamang ng malaking pinto ng San Luis Obispo de Tolosa Parish Church o mas kilala sa tawag na Lucban Church, kung saan pinangarap niyang ikasal sila ni Devon noon, agad na nag-init ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Iba pala talaga ang epekto ng simbahan sa babaeng ikakasal. At ng mga sandaling iyon, sobrang napatunayan iyon ni Aniah. Humahakbang pa lamang ang kaniyang mga paa papasok sa loob ng simbahan, hindi na niya napigilan ang mga luhang sunod-sunod na naglandas sa magkabila niyang pisngi. She can’t help it. Saksi ang mga taong mahal nila ni Devon sa napakaimportanteng kasal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


