ISANG LINGGO bago ang nakatakdang kasal nina Aniah at Devon ay nag-anunsiyo pa si Lolo Isaac na ‘wag silang mawawala ni Devon sa lunch na ipinahanda nito sa mansiyon. Sila-sila lang naman daw. Kaya naman pagkagaling nila ni Devon sa pinuntahan nila ay dumiretso na rin sila sa Stanford Mansion. Ayaw rin kasi niyang paghintayin ang Lolo Isaac nito dahil nitong mga nakaraan ay naging busy rin sila ni Devon sa ilang mga bagay na kailangan nilang asikasuhin para sa kanilang nalalapit na kasal. Hindi naman nakaka-stress nang husto dahil maraming tumutulong talaga sa kanila para maging possible ang lahat ng gusto niyang mangyari para sa kasal nila. Hindi rin kasi niya mapigilan ang sarili na hindi makialam sa ibang details. Isa pa, once in a lifetime lamang ang first wedding na mangyayari sa k

