PAG-UWI nina Aniah sa Pagbilao City ay pinaderetso naman sila ng kaniyang Kuya Uno sa bahay nila. Laking gulat pa ni Aniah nang makitang nakauwi na ang kaniyang ama’t ina buhat sa pagbabakasyon ng mga ito. Masayang lumapit siya sa mga ito at mahigpit na niyakap ang ama’t ina. “Totoo ba ‘yong sinabi ng Kuya Uno mo?” tanong pa ng Daddy Karzon ni Aniah. “Alin po?” “Na magpapakasal ka na?” Sunod-sunod ang ginawang pagtango ni Aniah habang hindi maikakaila ang pagniningning ng mga mata dahil sa bagay na iyon. Buong saya na hinila niya sa kamay nito si Devon at iniharap sa kaniyang mga magulang. “Mommy, Daddy, gusto ko pong pormal ninyong makilala si Devon,” masaya niyang wika sa kaniyang mga magulang. “Fiancé ko po.” “What?!” nagulat pang bulalas ng kaniyang ina. Napahawak pa ito sa lab

