“LOVE?” untag na ni Devon kay Aniah dahil natulala na lamang siya rito habang sige ang pagpatak ng luha sa magkabila niyang mga mata. “Don’t tell me, pati pagsasama natin ng habang-buhay, pinag-iisipan mo na ring mabuti?” biro pa ni Devon. “H-hindi,” agad namang tanggi ni Aniah nang makabawi. Matamis siyang ngumiti kay Devon at buong pagmamahal itong pinagmasdan nang ilahad niya sa harapan nito ang isang kamay niya. “Tingin mo, tatanggihan ko ‘yang alok mo? Manigas ka,” nangingiti pa niyang wika na pigil ang pagkabasag ng boses. “So, it’s a yes?” “It’s always a yes, love.” Hayon na naman ang pag-uunahan ng mga luha sa kaniyang mga mata nang isuot ni Devon ang singsing sa kaniyang palasingsingan. Dahil sa pagkakataon na iyon, habang-buhay na ang ibig sabihin niyon para sa kaniya. Hindi

