When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAPAHINTO pa si Aniah sa paglalakad nang makita ang motel na tinulugan nila ni Evo dahil sa lakas ng ulan noong mga panahon na iyon. Parang kailan lang din iyon. “Baka hilingin mo pang umulan, hindi uulan ngayon,” ani Evo na hinila na si Aniah palayo sa gusaling pinagmamasdan niya. Napatawa naman si Aniah. “Paano ka naman nakakasigurado na hindi uulan ngayon?” “Hindi ka ba nag-che-check ng weather forecasts sa cellphone mo?” “Hindi.” “Kaya naman pala kung kailan hindi umuulan, saka ka may dalang payong. At kapag umuulan naman, saka ka naman walang dala.” “‘Yon ba ang sekreto mo kaya palagi kang may dalang payong kapag umuulan?” “Hmm.” Gumanti ng hawak si Aniah sa kamay ni Evo kaya napatingin doon ang binata. “Ano? Sa next life lang din puwedeng makipag-holding hands?” “Hindi nam