NAKAHANDA na ang ilang mga gamit nina Aniah at Devon. Iyon din ang araw ng kanilang pag-alis sa hotel beach and resort na kanilang pinag-stay-an sa Batangas. At ng mga sandaling iyon ay hawak nila ni Devon ang kanilang mga cellphone. Nagkasundo kasi sila ni Devon na bago sila umalis sa lugar na iyon ay kailangan nilang ipaalam sa pamilya na naghihintay sa kanila, na okay lang sila. Hi, Mom, I just want to let you know that I’m doing well. Please tell Dad not to worry about me. Uuwi rin po ako, soon. I love you and I miss you so much… Pagka-send sa text message na iyon sa kaniyang ina ay muli niya iyong s-in-end para sure na matatanggap ng kaniyang ina ang kaniyang text message. Saka in-off ni Aniah ang kaniyang cellphone. “Done,” baling ni Aniah kay Devon. “Na-text ko na rin si Lolo I