PAGDATING na pagdating ng ina ni Devon sa mansiyon na pagmamay-ari ng kaniyang Lolo Isaac ay isang malutong na sampal ang kaagad na isinalubong nito sa kaniya. “Paano mo nagawang bastusin si Bell?” galit pa nitong asik sa kaniya. Natulig man sa malakas na sampal na iyon ay hindi pa rin mababago ang kaniyang desisyon. Sukdulan mang magalit ang kaniyang ina sa kaniya. O kahit itakwil pa siya nito bilang anak nito. Handa na siya sa bagay na iyon. Lalo na kung hindi nito maintindihan na ang gusto niyang makasama sa habang-buhay ay si Aniah lang. Sandaling inginawa-ngawa ni Devon ang kaniyang panga na nasaktan. Kapag kuwan ay binalingan ng tingin ang kaniyang ina. Sa may salas sila nito nagpanalubong. Paalis sana siya. Balak sana niyang pumunta sa bahay nina Aniah. Baka sakaling naroon ang k