REBECCA'S POV SIMULA nang magkamabutihan uli kami ni Tristan at tinatawag ko na siyang Uncle Sam uli kapag kaming dalawa lang, akala ko magiging maganda na ang tulog ko dahil masaya na uli ang puso ko. Hindi ko akalain na kabaligtaran pala ang mangyayari. Dahil gabi-gabi na rin may nangyayari sa amin kapag mahimbing na ang tulog ng aming anak. 'Buti sana kung isang round lang. Pero pambihira ang tibay ng mga tuhod ni Uncle Sam. Kahit tumanda na siya ng limang taon, katulad pa rin siya ng dati na matindi kung bumayo at walang kapaguran. Akala ko nga hihina na siya dahil nasa kuwarenta na siya. Pero mas mahilig pa yata siya ngayon. Siguro ang sikreto niya, ang hilig niya sa pagkain ng balut. Kahit nga hindi gabi basta may pagkakataon, palagi kaming naglalampungan. Maya't maya niya akon

