REBECCA'S POV TINUPAD ko ang huling ni Uncle Sam na umuwi ako sa break time ko kahit isang oras lang. Excited din akong malaman kung ano ba ang 'masarap' na pagkaing ihahandog niya sa akin at siguradong magugustuhan ko raw. Bagaman at may ideya na ako kung ano iyon ay na-e-excite pa rin ako. Pagkatok ko pa lang sa pinto ay nakangising mukha na ni Uncle Sam ang sumalubong sa akin. Napansin ko rin agad ang natutulog na naming anak. "Pinatulog ko na ang baby natin para masolo naman kita ngayong break time mo," malapad ang ngiti na paliwanag niya. "And don't worry. Nakakain na iyan ng lunch at pinagpahinga ko rin bago pinatulog." Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ka prepared, ha?" "Siyempre ako pa ba? Alam mo namang kaninang umaga pa ako nasasabik sa'yo, 'di ba?" Kapagkuwan ay hinila n

