REBECCA’S POV MAGDAMAG akong naghintay sa pagbabalik ni Uncle Sam. Pero kahit isang tawag o text man lang sa kaniya ay wala akong natanggap. Sinusubukan ko ring tawagan si Momma para kumustahin si Meryl pero hindi rin niya sinasagot. Iniisip ko na lamang na baka dahil galit pa rin siya sa akin. Dala ng sobrang antok at pagod kaya nakatulog ako sa paghihintay kay Uncle Sam. Pasikat pa lang ang araw nang magising ako at narinig ko si Samantha na parang umuungol. “Nanay… Tatay…” Bigla akong napabalikwas ng bangon nang makapa ko ang noo ng aking anak. Inaapoy siya ng lagnat! Kaagad kong kinuha ang thermometer. Lalo akong kinabahan dahil umabot na ng 39degree Celsius ang temperature niya. Uso pa naman daw ngayon ang dengue. Mabilis akong kumuha ng Paracetamol at pinainom ko kay Samantha. P

