REBECCA'S POV "SIGURADO po kayo, Uncle? Hindi n'yo po dadalhin ang mga gamit n'yo sa pag-alis natin?" nagtatakang tanong ko sa kaniya habang nag-aayos na kami ng aming mga dadalhin sa pag-alis. "Iyon ang binitiwan kong salita kay Auntie Suzette mo para maisama kita, Rebecca. At paninindigan ko iyon. Tama na sa akin itong mahahalagang papeles. Puwede naman akong bumili uli ng mga gamit." Naaawa na lumapit ako kay Uncle Sam. Mula sa kaniyang likuran ay niyakap ko siya nang mahigpit. "Pasensiya na po kayo, Uncle. Kailangan n'yo po tuloy magsakripisyo nang dahil sa akin." "Wala kang kasalanan, Rebecca. Wala tayong kasalanan. Minahal lang natin ang isa't isa." At saka siya dahan-dahan na humarap sa akin at niyakap din ako. "Kakayanin natin 'to." "Opo, Uncle. Kakayanin natin 'to." "Kapa