UNCLE SAM'S POV "O? Bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka na sumama sa malandi mong kinakapatid?" Napatiim-bagang ako nang magsalita si Suzette habang kumakain kami ng almusal. Ayaw ko sanang sumabay sa kaniya dahil si Rebecca ang gusto kong sabayan. Kapag si Suzette ang kasalo ko, kahit gaano pa karami ang nakain ko, parang hindi ako nabubusog. Mas lamang pa ang sama ng loob na ibinibigay niya sa akin. Samantalang kapag si Rebecca ang kasalo ko, kahit ilang kutsara lang ang nasubo ko, busog na agad ako. Dahil mas pinupuno niya ako ng kaniyang pagmamahal. Ngunit kailangan kong makausap si Suzette tungkol sa aking plano na pakikipaghiwalay sa kaniya. Hindi ko kasi siya makausap sa ibang pagkakataon maliban sa harap ng pagkain dahil palagi siyang walang oras pagdating sa akin. "Himal