REBECCA'S POV "REBECCA, no!" Mariin na umiling si Uncle Sam at mahigpit na niyakap niya ako. "Sabihin mong nagbibiro ka lang, please? Kasi hindi ko kaya ang sinasabi mo... hindi ko kayang magkahiwalay tayo. Gusto mo na talaga na mabaliw ako?" Hindi ako sumagot kaya lumayo siya sa akin at sinapo ang aking mukha. "At saka isa pa, nangako tayo sa isa't isa na magkasama nating ipaglalaban ang pagmamahalan natin, 'di ba? Na walang bibitaw sa relasyon nating ito." Ramdam ko ang paghihirap ng loob ni Uncle Sam kaya bigla na lang tumulo ang mga luha ko. "I-I'm sorry, Uncle. Hindi ko rin po kaya na magkalayo tayo. Pero ito po ang makakabuti sa'ting dalawa. Lalo na po sa inyo." "Bebelabs ko..." Isa-isang pinunasan ni Uncle ang mga luha ko. "Walang ibang makakabuti sa'kin kundi ikaw lang... Mas m