REBECCA'S POV NAGISING ako sa malakas na sigawan sa loob ng bahay. Boses ni Auntie Suzette ang unang nakilala ko. Dali-dali akong sumugod sa pag-aakalang nag-aaway silang dalawa ni Uncle Sam. Baka kasi nalaman niya na magdamag kaming magkasama ng asawa niya kagabi. Malapit nang mag-umaga nang makauwi kami ni Uncle Sam dahil nakatulog kami sa kotse niya pagkatapos naming mag-s*x. "Ang kapal ng mukha mong babae ka! Pagkatapos kitang ituring na parang kapatid at patuluyin dito sa bahay ko, ta-traidorin mo lang akong hay*p ka?" Pinanlakihan ako ng mga mata nang madatnan ko sa sala sina Auntie Suzette at Beverly na nag-aaway. "Ang kapal din ng mukha mong gurang ka!" ganting sigaw ni Beverly sa tiyahin ko. "Pagkatapos kang mahalin ni Kuya Sam at nagtiis siya ng tatlong taon sa makunat na