REBECCA'S POV "SORRY na uli, ha? Kung hindi ka komportable sa presensiya ni Beverly, sabihin ko na lang sa kaniya na mag-hotel na lang siya," sabi sa akin ni Uncle Sam pagkatapos niya akong paligayahin na bumaliw na naman sa akin nang ilang minuto. Nakahiga na kaming dalawa sa jacket na inilatag niya. Medyo hinihingal pa ako. Nakasiksik ako sa katawan niya at hinahaplos naman niya ang buhok ko. Panay din ang halik at yakap niya sa akin. Kinakalma ako. "Sorry uli, Rebecca. Promise, hindi na mauulit. Hangga't kaya ko, iiwasan ko na ang bawat babae na puwede mong pagselosan." "Okay na nga po. Kanina pa panay ang sorry mo, eh," nangingiting sagot ko. "Hindi naman po kita kayang tiisin, eh. Alam n'yong kayo na lang ho ang meron ako sa buhay ko ngayon. Wala naman akong ibang pupuntahan k