REBECCA'S POV GUSTO ko sanang bumalik sa silid ko. Pero naisip ko na siguradong susundan lang din ako doon ni Uncle Sam. Hindi pa ako handang harapin siya. Buwisit na buwisit talaga ako ngayon. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Sa kagustuhan ko na iwasan ang aking tiyuhin, umalis ako at naglakad-lakad muna sa kalsada. Nagkakasiyahan pa silang tatlo nang umalis ako kaya hindi nila ako napansin. Buwisit siya! Nagawa pa niyang makipag-inuman at makipagsayahan sa dalawang babae niya. Ni hindi man lang niya ako naalalang kumustahin. Ganito ba talaga kapag nakuha na ng isang lalaki ang gusto niya sa isang babae? Akala ko pa naman hindi siya gano'n. May pa-promise-promise pa siyang nalalaman. Hambog din, eh! Namalayan ko na lang na nakarating na pala ako sa isang park. Marami pang t