REBECCA'S POV "ATE, ito lang po ba?" Sinadya kong lakasan ang pagtanong sa customer na naghihintay sa akin para iparamdam kina Uncle Sam at Beverly ang presensiya ko. Mukhang busy kasi silang dalawa kaya parang hangin lang ako na dumaan sa kanilang harapan. Ni hindi sila natinag nang nabitiwan ko kunwari ang distilled water. Mabilis namang pinaalis ni Uncle Sam ang kinakapatid niya mula sa pagkakandong sa kaniya. "Ano ba 'yan, Beverly? Ang laki-laki mo na pero takot ka pa rin sa ipis. Hindi ka na bata tulad noong dati para magpakarga o magpakandong sa'kin kapag natatakot ka. Ang sagwa na kayang tingnan." Sinasabi ba ng tiyuhin ko na kaya niya kinandong si Beverly ay dahil sinadya nitong magpakandong sa kaniya? Sa tingin ko talaga, may hidden agenda sa pagdalaw ang babaeng iyon, eh! Mu