REBECCA'S POV "ANO po 'yon?" magalang na tanong ko sa babae na bumungad sa bintana ng tindahan ni Uncle Sam. Akala ko customer siya. Maputi, sexy, at matangkad ang babae. Parang pang-artista ang ganda niya. Ang kinis-kinis. Mukhang may kaya rin siya sa buhay base na rin sa hitsura at pananamit niya. Kulay-pulang dress na hapit sa katawan at may malalim na cleavage ang suot niya. Litaw na litaw ang makikinis at mayayamang dibdib niya. At sa tingin ko, ka-edad ko lang siya. Hindi agad sumagot ang babae nang tanungin ko siya. Sa halip, tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Sanay na ako sa mga ganitong uri ng customer kaya hindi ko na lang pinansin. "Ano po ang bibilhin n'yo, ma'am?" magalang pa rin na tanong ko uli sa kaniya. "Nandiyan ba si Kuya Sam?" sa wakas ay tanong din ni