REBECCA'S POV PAGKATAPOS naming mananghalian ay nagpaalam na rin si SPO2 Castillo upang bumalik sa Davao. May trabaho pa kasi siya. Labis naman ang pasasalamat ko sa kaniya. Si Momma mismo ang naghatid sa silid naming mag-ina. Gusto pa nga sana niya na bigyan din ng sariling silid si Samantha dahil marami pa naman daw ang bakante. Pero ayaw humiwalay ng anak ko sa'kin. Hindi kasi siya nakakatulog nang hindi ako katabi. Mas gusto ko rin naman na magkasama kami sa iisang silid at tabi sa pagtulog. Dahil gusto kong sulitin ang mga panahon na maliit pa lang siya at ako pa lang ang paboritong kasama niya. Gusto pa nga sana ni Momma na ilibot kami sa mansiyon. Pero nahiya na ako. Alam kong pagod siya sa biyahe kaya sinabihan ko siyang magpahinga muna at bukas na namin libutin ang buong man