REBECCA’S POV “SIGURADO ka ba sa desisyon mong ito, Rebecca?” naninigurong tanong sa akin ni SPO2 Castillo habang binabaybay na namin ang patungo raw sa bahay ni Momma sa Makati. Sinundo kami ng kaniyang personal driver sa airport. Kinabukasan lang nang alukin ako ni Momma ay agad akong pumayag. Naisip ko na pagkakataon ko na ito para mabigyan ko ng maayos at tahimik na buhay si Samantha at mabigyan ko rin ng hustisya ang pagkamatay ni Uncle Sam. Nang malaman ni SPO2 Castillo ang desisyon ko, agad din niyang inalam ang pagkakakilanlan ni Momma. At ayon sa kaniya, mayaman nga raw ito at isang negosyante. Wala naman daw itong bad record. Katunayan, kilala rin daw na bilang isang pilantropo si Momma. Kaya pala kahit hindi pa niya ako gaanong kilala, tinulungan na niya ako. Nanggaling din