CHAPTER 39

2207 Words

REBECCA’S POV “ATE REBECCA, ano ang sinabi mo kay Nanay na ako ang may kasalanan kung bakit hindi ka nakapaglaba sa’min, ha?” Agad na sumakit ang ulo ko paglabas ko pa lang ng buhay at sinalubong na ako ng mataray kong pinsan na si Helen. Manang-mana pa naman siya kay Auntie Flora. “Nanay, aawayin na naman po ba tayo ni Tita Helen?” tanong ni Samantha na kahawak ko ng kamay. Maglalako ako ngayon at kasama ko siya. “Hindi po, anak. Hindi ka aawayin ng Tita Helen mo. Mag-uusap lang kaming dalawa.” Sa kabila ng pagtrato sa akin ng pamilya ko, kailan man ay hindi ko tinuruan ang aking anak na magtanim ng galit o sama ng loob sa kanila. Dahil ayokong lumaki siya na mabigat ang dibdib. “Bumalik ka muna sa loob, ha? Ikuha mo ng panyo si Nanay, please?” Mabuti na lang at masunuring bata si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD