REBECCA’S POV “REBECCA!” Napahinto ako sa paglalaba nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Auntie Flora habang pababa palang siya ng sasakyan. Agad kong iniwanan ang aking labahan at sinalubong ang tiyahin ko bago pa man siya makapasok sa bahay. Natatakot ako na baka doon pa siya magwala. Tulog pa si Samantha. At saka bagong bili ang TV namin. Baka masira na naman kapag iyon ang napagdiskitahan niya, katulad noong huling punta niya rito at ibinalibag niya ang TV na napanalunan ko sa raffle. Sobrang naawa ako noon kay Samantha. Bukod sa paglalaro, TV na lang ang libangan niya. Kaya nga ang sinahod ko sa paluwagan na pampaayos ko sana ng aming bubong, ipinambili ko muna ng second hand na TV. Medyo mahina kasi ang kinita ko sa paglalako ng mga kakanin nitong nakaraang buwan. Kapag bak