“BAKIT hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo?” biro sa kaniya ni Camilla nang magkita sila kinagabihan sa tabing-dagat. Tapos na ang trabaho nito sa hotel, alas singko pa lang ng hapon. Kaya malaya niya itong mayaya kapag gabi na at naghahanap siya ng makakausap. Isa sa paborito nilang tambayan na magkaibigan ang dalampasigan. Dahil pareho naman silang hindi mahilig uminom at mahina ang tolerance sa alak kaya kuntento na sila sa pag-iihaw lang ng isda o kaya ay barbecue tapos sasabayan nila ng ano mang juice at saka mga chichirya. Minsan naman, tamang soundtrip lang sila ni Camilla habang nag-i-stargazing. Ang nakakatuwa pa, minsan, pumupunta lang sila sa tabing-dagat para matulog. Sa mga ganoong simpleng bagay sila nagkakasundong dalawa. Kaya minsan din, pakiramdam ni Vico, mas kompo

