“HOY!” Muntikan nang mapasubsob sa desk si Camilla nang sikuhin siya ng kaniyang kaibigan at kapwa receptionist na si Den-den. “Ano ba?” inis na asik ng dalaga. “Bakit ka ba naniniko?” Inirapan siya nito. “Paano kita hindi sisikuhin? Eh, kanina pa ako salita nang salita dito pero para hindi ka naman sumasagot. ‘Buti ang multo, nararamdaman ko. Pero ikaw, dedma lang. Hindi ka talaga masarap ka-bonding.” “Paano hindi magpaparamdam sa’yo ang multo? Eh, magkamukha kayo!” ganting biro ni Camilla sa kaibigan. “Tingnan mo nga ‘yang mukha mo, o. Para ka ng espasol sa sobrang kapal ng face powder mo.” “Ang sama talaga ng ugali mong babae ka. Paano nakakatagal sa’yo si Sir Vico?” “Gano’n talaga kapag mag-best friend. Tanggap mo kahit ang pinakamasamang ugali ng kaibigan mo,” nakangising katuwir

