REBECCA'S POV PAREHO kaming walang kibo ni Uncle Sam pagkatapos naming aminin kay Samantha ang totoo. Nandito kami sa labas at magkatabing nakaupo. Nanonood naman ng TV sa loob ang aming anak. Sarado na ang kainan at nag-uwian na lahat ng mga empleyado. Maaga kaming nagsara ngayon matumal at may sakit pa ang halos lahat ng mga kasamahan namin. "Rebecca..." Si Uncle Sam ang unang bumasag sa katahimikan. Maingat niyang kinuha ang kamay ko at tinitigan ako. "Maraming salamat dahil kahit alam mong hindi pa ako magaling, hindi mo ipinagkait sa akin ang anak natin." Kaagad na kumunot ang noo ko. "Hindi ko naman talaga siya ipagdadamot sa'yo. Natakot lang ako noong una pero wala akong balak na palakihin sa kasinungalingan ang anak natin, Uncle Sam. Dahil alam ko ang hirap na lumaking walang a

