CATHERINE’S POV NAPABALIKWAS ako ng bangon nang mapansin ko na nasa ibang kuwarto ako. Muntik na akong kabahan dahil nakita ko rin ang aking sarili na walang saplot kahit isa, kung hindi ko lang naalala ang mga nangyari kagabi. Nandito nga pala ako ngayon sa bahay ni Prof. Garcia dahil wala akong nahanap na bakanteng hotel kagabi. Umunat muna ako bago bumaba ng kama na hubo’t hubad. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nakalimutan ko rin palang tanggalin sa charger. Tinawagan ko agad si Lola nang makitang tadtad ako ng messages at calls mula sa kaniya. “Ano ka ba namang bata ka? Bakit ngayon ka lang tumawag? Alalang-alala na ako sa’yo. Ang sab imo, magcha-charge at tatawag ka agad pagdating mo sa hotel,” puno ng pag-alala na sermon sa akin ni Lola. “Alam mo bang hindi ako gaanong nakat

