CATHERINE’S POV HINDI natuyo ang mga damit na nilabhan ko kagabi kahit itinapat ko iyon sa electric fan kaya wala akong choice kundi suotin ang mga damit na nakita ko sa kama kanina. Dahil sosbrang laki sa’kin kaya itinali ko na lang sa beywang ko ang pang-itaas. At gano’n din ang pajama sa ibaba na nagmukhang long gown dahil sa haba nito. Medyo nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura kaya naisipan kong lumabas na ng silid pagkatapos kong maligo at magbihis. Nakakahiya man pero makikikain na rin ako dito kaysa sa magka-ulcer ako. Hindi naman siguro ikakahirap ni Prof. Garcia ang ilang subo na kakainin ko. Gusto ko rin siyang makausap tungkol sa hihingin kong favor na kung puwede, dito muna ako habang hindi pa dumadating ang sundo ko. Although, hindi ko pa alam kung kailan ako masusundo

