CHAPTER 9

2062 Words

CATHERINE’S POV HUMINGA ako nang malalim dahil para akong mauubusan ng hangin habang nakatitig ako kay Prof. Garcia na palapit sa akin. Kung hindi pa ako nakahawak sa lamesa, baka nahulog na ako rito sa inuupuan ko. Lihim kong sinaway ang aking sarili dahil hindi ko mapigilan na matulala sa kaniya. Saka lang ako tila nahimasmasan at nag-iwas ng tingin nang mapansin ko sa akin din pala nakatitig si Prof. Garcia. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkailang kaya napayuko ako. Nahuli kaya niya na nakatingin ako sa bakat sa harapan niya? “Good morning, Miss Montecillo.” Napakislot ako nang marinig ko ang baritonong boses niya. Nasa harapan ko na pala siya kaya no choice ako kundi ang mag-angat ng ulo. “G-good morning din po, Prof,” ganting bati ko nang tumingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD