REBECCA'S POV NAGULAT ako nang makita ko na bata pa pala ang pinsan ni Uncle Sam na may-ari nitong apartment. Sa tantiya ko, mga nasa twenty-five years old lang siya. Bigla tuloy akong nahiya dahil baka kung ano ang isipin niya at pumatol ako sa pinsan niyang may edad na. "Siya ba ang palagi mong ipinagmamalaki sa akin na bagong girlfriend mo, Kuya Sam?" tanong ni Arturo habang nakatingin sa akin. "Oo, 'insan. Si Rebecca." At saka niya kami ipinakilalang dalawa. Sa unang tingin pa lang, mukhang mabait na si Arturo. Medyo may hawig din siya kay Uncle Sam. "Ang bata mo pa pala. Ilang taon ka lang?" "Twenty po." Napakamot sa ulo niya si Arturo. "Huwag mo na akong po-po-in. Twenty -five lang naman ako, eh." Dahil sa kabaitan ni Arturo kaya palagay na agad ang loob ko sa kaniya. "Ik