REBECCA’S POV REST DAY ni Uncle Sam ngayon. Hinayaan ko muna siyang matulog pa para makabawi naman siya ng pahinga. Halos madaling araw na rin kasi siya nakauwi kagabi dahil birthday daw ng Team Leader nila at nagkayayaan sa bar. Ayaw ko namang maramdaman ni Uncle Sam na hinihigpitan ko siya kaya pinayagan ko. At saka nagpaalam naman siya nang maayos. Gusto ko rin na may makain siyang masarap pagkagising niya kaya namalengke muna ako habang tulog pa siya. Mabilis lang ako dahil ayaw ni Uncle Sam na pumupunta ako sa palengke nang walang kasama. Siguradong hahanapin niya ako kapag nagising siya na wala ako. Isang buwan na rin kami dito sa Pasay kaya medyo kabisado ko na ang pasikot-sikot. Pagbaba ko ng tricycle, siya namang paghinto ng mamahaling kotse sa tapat ng gate ng apartment na t