CHAPTER 32—SPECIAL CHAPTER

1500 Words

BEVERLY’S POV UNTIL NOW, mainit pa rin ang ulo ko. Talagang hindi pumayag si Kuya Sam na sabay kaming mag-lunch. Sumabay pa talaga siya sa mga ka-trabaho namin para lang hindi ko siya mayaya. Kahit sa uwian, hindi ko na rin siya nakita. “Ano na naman ba ang problema mo at hindi maipinta iyang mukha mo?” untag sa akin ni Daddy Julio nang magkita kami sa bar na pag-aari niya rito sa Pasay. Si Julio ay isang mayamang negosyante na nakilala at nakasabay ko sa eroplano noong pauwi ako sa Bacolod. Forty-five years old na siya at kasal. Iyon nga lang, wala siyang anak at mas matanda sa kaniya ang asawa niya. Kaya nga kabi-kabila ang mistress niya. Mas gusto rin niyang tawagin siyang ‘daddy’ ng mga babae niya. Gano’n na rin ang tawag ko sa kaniya dahil parang mistress na rin niya ako. Palagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD