REBECCA’S POV NAUNANG PUMASOK si Sir Tristan kaya nasa opisina na siya nang dumating ako. Akala ko kaya kong balewalain ang mga narinig ko kanina na pag-uusap nila ni Meryl. Pero hindi ko pala kaya. Ngayon na may hinala na ang kaniyang fiancée tungkol sa relasyon namin, parang hindi ko na kayang ipatuloy. Ito ang laman ng aking isipan habang nasa biyahe ako kanina. Tila bumalik sa akin ang nangyari sa amin nang ma-diskubre ni Auntie Suzette ang aming relasyon. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Samantha. Kaya gaano ko man kagusto na manatili sa relasyong ito at umasa na matupad ko ang pangako ko kay Samantha na ipapakilala ko siya sa kaniyang ama balang araw, isasakripisyo ko iyon. Kaysa isa na naman sa amin ang mapahamak. Hays, Lord. Bakit ba puro pahirap na lang ang buhay na ibinig