SAMANTHA’S POV “ATE, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.” Napahinto ako sa pagbabasa ng romance pocketbook nang pumasok sa silid ko si Samuel Junior. Ang totoo niyan, kanina ko pa siya naririnig na kumakatok sa labas ng silid pero hindi ko lang siya pinagbubuksan. Kasi alam kong kukulitin lang niya ako na lumabas at bumaba sa bakuran para makipaghalubilo sa kanila. Birthday kasi ngayon ng kapatid naming si Samy. Hindi naman engrande ang handaan. Mga malalapit na kaibigan lang ang inimbitahan namin. At isa na roon si Doc Carl. Isang taon na rin simula nang makita ko siya noon sa ospital na may kasamang babae. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ba talaga ang babaeng iyon sa buhay ni Doc Carl. I assumed na girlfriend niya iyon. Pero sa tuwing may special occasion

