SPECIAL CHAPTER 2

1604 Words

SAMANTHA’S POV NAPAKISAP-KISAP ako nang ngitian ako ni Doc Carl pagkatapos niyang umupo sa tabi ko. Medyo malaki naman ang natitirang space sa pagitan namin kaya hindi ko maintindihan kung bakit feeling ko, biglang sumikip ang paligid. “Ano ba ang masakit sa’yo? Ang sabi lang kasi sa’kin ni Samuel Junior, masama raw ang pakiramdam mo,” malumanay niyang saad kahit hindi ko naman siya kinikibo. At wala talaga akong balak na sagutin siya. Hindi ko na siya papansinin forever. Iyon ang ipinangako ko sa sarili ko noong nag-decide ako na kalimutan siya. Pero ‘di ko alam. Di ko talaga matiis na hindi siya kausapin. Pasimple akong lumunok muna bago ako nagsalita para maging normal ang boses ko. “M-medyo sumakit lang po ang ulo ko kanina, Doc. Pero okay na po ako ngayon. Uminom na ako ng gamot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD