REBECCA'S POV "GRABE! Busog na busog ako," bulalas ko habang hinihimas-himas ko ang aking tiyan. Katatapos lang naming kumain sa carinderia na pinaglipatan namin. Napansin ko kanina na parang ilang pa rin si Sir Tristan at panay ang linga niya sa paligid. Alam ko na nag-aalala siya na baka masundan kami ng mga kaibigan niya. Pero kalaunan ay nag-enjoy na rin siya na kasalo ako at tila nawala na sa isip niya na kailangan naming magtago. "Paano ka hindi busog na busog? Eh, inubos mo ba naman lahat ng natitirang sabaw ng bulalo," natatawang biro sa akin ni Sir Tristan bago niya pinunasan ang gilid ng aking mga labi na basa pa ng sabaw, gamit ang panyo niya. "Sayang naman po kasi kung itatapon lang. Bukod sa napakamahal, ang sarap-sarap kaya!" Nangingiti na hinimas ko uli ang aking ti