Epilogue lumipas ang tatlong taon magmula nang mawala sa aming buhay si Lewis. Mahigit tatlong taon na din naging miserable ang aking buhay. Sa tatlong taon na 'yon ay wala akong ginawa kung hindi ang isiping babalik pa si Lewis sa buhay namin ng anak ko. Hindi man ako sigurado kung babalik ba siya sa amin o hindi pero umasa pa rin ako. Umaasa ako na magkikita kaming muli. Magkikita kaming tatlo at bubuo pa kami nang masayang pamilya. "Ma, Tito Jonathan wants to play sports. I'm tired already," my son suddenly speak. Napatingin ako sa kaniya. He reminds me to his dad. Kuhang-kuha niya ang pigura ng mukha ni Lewis. Sobrang pasasalamat ko dahil hindi rin siya nawala sa akin. Hindi niya ako iniwan tulad nang ginawa ng papa niya. Siya ang nagbigay nang lakas sa akin para kayanin ko pang