Lewis Alfred POV ABALA ANG LAHAT sa pagpipila para sa job interview ng De Geihalvonte Company. Maraming magagandang babae ang nakapila sa labas ng opisina ni Lewis dahil kailangan niyang humanap ng bagong sekretarya. Hindi kasi nagtatagal ang sekretarya niya. Maraming pumasok sa opisina niya at lahat ay walang pumapasa sa kaniyang taste. Medyo naiinis na si Lewis dahil sa marami na ang nag-aapply pero kalandian lang ang alam. Sikat kasi ang company niya kaya marami ang gustong mag-apply dito. Sumasakit na ang sentido niya dahil sa mga ito. Pagkalabas ng huling na interview ay nag-aantay siya sa susunod na papasok. Hindi nagtagal ay pumasok na ang susunod na nag-aapply. Nagulat siya sa nakita niya, ito ang babaeng madalas niyang nakikita sa kabilang kompanya. "You may sit down now," saa